Behind-the-scenes sa episode 11 ng 'MAKA'

Intense at madamdamin ang mga eksenang mapapanood sa episode 11 ng MAKA ngayong Sabado, November 30.
Tampok sa episode 11 ang kuwento ng magulong pamilya ni Dylan (Dylan Menor) kung saan nakakaranas silang mag-ina ng pang-aabuso mula sa kanyang ama na si Nik (Epy Quizon).
Narito ang ilang pasilip mula sa set para sa episode 11 ng GMA Public Affairs' youth-oriented show na MAKA.











