GMA Logo Rufa Mae Quinto
What's on TV

Rufa Mae Quinto, tinodo ang pag-arte sa 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published December 15, 2023 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Abangan ang special role ng batikang comedienne na si Rufa Mae Quinto sa 'Makiling.'

Talagang kinarir ng batikang comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto ang kanyang special role sa upcoming mystery revenge drama series sa GMA Afternoon Prime na Makiling.

Dito ay gaganap si Rufa bilang isa sa mga kabaryo ng karakter ni Elle Villanueva na si Amira - isang maganda at palabang dalaga na mula sa pamilya ng mga manggagamot at albularyo.

Sa isang behind-the-scene video, mapapanood ang “award-winning” na pag-arte ni Rufa habang umiire at pinapaanak ni Amira.

Ito ang isa sa mga pambihirang pagkakataon na mapapanood ang komedyanteng si Rufa sa isang seryoso at mabigat na eksena.

Chika nga ni Rufa, isa na ito sa mga challenging role na ginawa niya sa kanyang showbiz career.

Aniya, “Isa na yata ito sa pinakamahirap na role na ginampanan ko. Baka dito na tayo manalo ng Oscars, go go go!”

Dagdag pa ni Rufa, “Pero seriously speaking, nag-enjoy akong paanakin ni Elle dito sa Makiling. Abangan niyo 'yang makapigil-hiningang eksenang 'yan.”

Noong Huwebes, December 14, ipinasilip na rin ang unang teaser ng Makiling kung saan ipinakita ang karakter ni Elle na si Amira, ang babaeng nakatuklas ng isang mahiwagang bulaklak na pag-aagawan ng mga ganid gaya ng Crazy 5 na sina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez.


Sa January 8, 2024, nakatakdang mapanood ang Makiling na pinagbibidahan ni Elle at ng kanyang reel to real-life boyfriend na si Derrick Monasterio.