GMA Logo Elle Villanueva at Thea Tolentino
Source: Screenshot from Makiling episode
What's on TV

Confrontation scene nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' pinabilib ang viewers

By Jimboy Napoles
Published April 26, 2024 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 130 families in Tent City in Cebu get Christmas gifts
Tindera reveal ng TikToker, plot twist na kinaaliwan ng netizens | GMA Integrated Newsfeed
'Love You So Bad,' ngayong December 25 na

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva at Thea Tolentino


Raw at pure emotions ang ipinakita nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa kanilang trending confrontation scene sa 'Makiling.'

“Ikaw ang mali sa buhay ko…napakasama mong kapatid.”

Ilan lang 'yan sa mga binitawang linya nina Elle Villanueva at Thea at Tolentino sa kanilang intense at emotional confrontation scene bilang ang magkapatid na sina Amira at Rose sa pambansang revenge drama ng Pinoy na Makiling.

Sa episode kasi kamakailan ng serye, sumabog na sa galit si Rose (Thea Tolentino) nang makita niyang akmang maghahalikan ang kaniyang kapatid na si Amira (Elle Villanueva) at ang ex-boyfriend nito na kaniyang naging fiance na si Alex played by Derrick Monasterio.

Matatandaan na bata pa lamang sila ay may hinanakit na si Rose sa kaniyang half-sister na si Amira dahil pakiramdam niya ay kinukuha nito ang atensyon at pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanila. Sa paghaharap ng magkapatid, sabay-sabay na lumabas ang kanilang mga naipong galit sa isa't isa.

Pinabilib naman nina Elle at Thea ang maraming manonood dahil sa kanilang ipinakitang intense acting na walang halong sampalan at sabunutan pero punong-puno ng emosyon.

“Both of them best actress panalo. Napakagaling talaga number 1 fan of Makiling here,” komento ng isa sa mga fan ng serye.

“Ito 'yung sumbatan at sigawan na walang sabunutan at sampalan pwede naman pala palabasan lang ng hinanakit galing madadala ka rin sa aktingan nila,” dagdag pa ng isang netizen.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 2 million views sa Facebook ang naturang confrontation scene nina Elle at Thea.

RELATED GALLERY: Sampalan nina Elle Villanueva at Thea Tolentino sa 'Makiling,' totohanan?

Sa isang interview, sinabi nina Elle at Thea na tulong-tulong ang buong production ng Makiling para sa ikagaganda ng kanilang serye.

“Bukod sa mga notes na ginagawa ko, siyempre may input din diyan sina Direk [Conrado Peru] na talagang mas nakakabuo ng character,” ani Thea.

“Lahat ng tao talaga dito sa Makiling, binibigay 'yung best parang ayaw talagang magpatalo. So 'yun 'yung pinaka-gusto ko rito kaya ayaw ko siyang mag-end. Ang ganda ng nagawa naming working environment dito,” sabi naman ni Elle.

Dito ay naging emosyonal din si Elle dahil sa finale ng serye. Aniya, “Parang kahapon lang, first day sa Makiling, sobrang bilis ng pangyayari. Ayoko talaga siyang mag-end and ayoko pang iwan 'yung mga tao dito sa Makiling, gusto ko pang ituloy 'yung istorya.”

Matatandaan na ito ang ikalawang lead role ni Elle sa isang serye matapos ang unang pagtatambal nila ng kaniyang boyfriend na si Derrick sa Retun To Paradise.

Sa finale media interview ng Makiling nitong Huwebes, ipinasilip ang mga makapigil-hiningang mga eksena na dapat abangan ng mga manonood.

Saan nga ba hahantong ang paghihiganti ni Amira sa Pamilya Terra at sa Crazy 5? 'Yan ang sabay-sabay na tutukan sa finale week ng Makiling simula sa Lunes, April 29 sa GMA Afternoon Prime.