GMA Logo Myrtle Sarrosa
Source: myrtlegail (Instagram)
What's on TV

Myrtle Sarrosa, kakaibang acting performance ang ipinakita sa 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published May 2, 2024 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4 weather systems to bring cloudy skies, rains over Luzon
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Myrtle Sarrosa


Isa ka ba sa napabilib sa performance ni Myrtle Sarrosa bilang si Portia sa 'Makiling'?

Ibang-iba sa kaniyang previous roles ang ipinakitang pag-arte ng Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa sa revenge drama na Makiling.

Sa finale episode ng serye ngayong linggo, napanood ang mas intense acting ni Myrtle bilang kontrabida na si Portia.

Isa mga plot twists ng finale ay ang pagiging mastermind ni Portia sa pagpatay sa kaniyang dalawang mga kaibigan na sina Maxene (Claire Castro) at Oliver (Teejay Marquez).

Napanood din sa May 1 episode ng serye ang brutal na pananaksak ni Portia sa kaniya mismong ama na si Doc Franco Terra.

Ngayong Huwebes, May 2, napanood naman ang pagpapahirap ni Portia sa bida ng serye na si Amira played by Elle Villanueva.

Sa isang interview, emosyonal si Myrtle na nagbigay ng mensahe sa mga nakatrabaho niya sa serye. Nagpapasalamat din ang aktres dahil sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng GMA Public Affairs para gampanan ang role ni Portia.

Aniya, “Grabe talaga 'yung tiwala na binigay sa akin ng GMA Public Affairs for this project. Sabi ko nga sa kanila I will do my best na hindi nila pagsisihan 'yung pagkuha nila sa akin bilang si Portia and I do hope na naging proud sa akin sina Direk, sina Miss K [Karen Lumbo], sina Miss Ysche [Marcelo], ang ating mga writer…”

Sa finale episode ng Makiling bukas, May 3, dapat abangan kung ano ang mangyayari kay Amira at sa kaniyang anak na si Jewel. Mabibigyan pa ba ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila ni Alex (Derrick Monasterio)? Makakabawi pa kaya si Seb (Kristoffer Martin) para kay Amira?

Tutukan ang makapigil-hiningang finale ng Makiling bukas, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Related gallery: Myrtle Sarrosa's hottest costumes