TV

Dustin Yu, masaya sa instant chemistry sa set ng 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Marah Ruiz

First teleserye ng showbiz newbie na si Dustin Yu ang much-awaited GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

"Noong sinabi pa lang sakin na kinuha na 'ko for this series, super na-excite ako and at the same time siyempre kinabahan since newbie lang nga ako," bahagi ni Dustin sa virtual media conference ng serye.

Kabado man, masaya naman siya na tila instant ang pagbuo nila ng chemistry ng kanyang mga co-actors, lalo na sina David Licauco, Nikki Co at Rob Gomez.

"Noong nasa set naman kami, sobrang nakagawa agad kami ng chemistry. Sa umpisa talaga, medyo challenging pero sobrang lucky ko kasi kilala ko na si Nikki before pa. Si David napaka humble. Sina Rob, 'yung mga ibang co-actors ko, super helfpful din nila sa set. Nagbibigay sila ng tips," kuwento ni Dustin.

Bukod sa pagiging mga co-stars at katrabaho, itinuturing na rin daw ni Dustin na kaibigan ang mga ito. Sakto rin dahil gaganap sila bilang magkakapatid sa serye.

"Na-challenge ako pero magaan naman po pagdating sa set. 'Pag wala kami sa set, nagba-bonding kami para may chemistry," lahad ng aktor.

Bibigyang-buhay ni Dustin ang karakter ni Kenneth Chan, ang pinakabatang anak ng maimpluwensiyang Chinese-Filipino family. Isa siya sa mga tagapagmana ng business empire kaya sisikapin niyang maging maayos ang pamilya at manatiling tahimik ang kanilang buhay.

Abangan ang bagong kuwento ng pag-ibig, pamilya at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, simula January 3, 2022, 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Samantala, mas kilalalin pa si Dustin sa gallery na ito: