TV

Nikki Co, excited maging kontradiba sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune'

By Marah Ruiz

First lead role raw ni Kapuso actor Nikki Co ang karakter niyang si Jameson Chan sa much-awaited GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Lalo pang naging espesyal ang role at serye para sa kanya dahil gaganap siya rito bilang isang kontrabida.

"'Yung role ko kasi very different siya sa akin so 'yun pa lang, challenge na siya sa akin. I had to really prepare kasi grabe 'yung extent nung kasamaan ni Jameson," pahayag ni Nikki sa virtual media conference ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Excited na raw siyang makilala ng mga manonood ang kanyang karakter.

"Noong nag-audition kasi ako, hindi ko pa alam kung anong role 'yung makukuha ko. I read the script and they made me do itong si Jameson. Doon pa lang, minata ko na 'yung character na 'yun. Excited talaga ko, kaya noong nagpre-prepare ako, talagang hinanap ko 'yung ano bang puwede naming maging relation ni Jameson. Masaya talaga 'ko sa role kaya very thankful ako," lahad niya.

Masaya rin daw siya na makatrabaho ang ilang beteranong mga aktor sa show, kabilang sina Boots Anson-Roa, Maricel Laxa, at Sunshine Cruz.

"Working with 'yung mga veteran actors natin, grabe naman po 'yung pagiging welcoming nila. We created 'yung chemistry together. Tinutulungan na rin po nila kami in the scenes that we make. Very excited ako sa iba pang scenes na gagawin namin," bahagi ng aktor.

Kaabang-abang din daw sa serye ang mga malalaki at heavy, emotional scenes.

"Mayroon na kaming nakunan na medyo mabibigat na eksena which I really felt good with. Excited na talaga [for the show] to be shown sa January," ani Nikki.

PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE

Gaganap si Nikki bilang Jameson Chan, ang anak ng family patriarch na si Edison Chan at common law wife nitong si Valerie. Lalaki siyang spoiled, rebellious, at madalas masangkot sa gulo dahil malimit siyang gamitin ng ina bilang alas sa mga Chan.

Abangan ang bagong kuwento ng pag-ibig, pamilya at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, simula January 3, 2022, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.