What's on TV

'Mano Po Legacy: The Family Fortune' cast, masayang napagbigyan ang hiling ng fans

By Marah Ruiz
Published February 8, 2022 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mano Po Legacy


Masaya daw sina David Licauco, Rob Gomez at David Chua na napagbigyan nila ang hiling ng 'Mano Po Legacy: The Family Fortune' viewers para sa mas maagang timeslot.

Very happy daw ang Mano Po Legacy: The Family Fortune stars na sina David Licauco, Rob Gomez at David Chua sa paglipat ng kanilang show sa mas maagang timeslot.

Simula kasi kahapon, February 7, 8:50 pm na mapapanood ang serye sa GMA Telebabad. Bukod dito, may same-day replay pa ito sa GTV mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes, 11:00 pm.

Mano Po Legacy

Masaya daw sila na napagbigyan na sa wakas ang matagal nang hinihiling ng fans at avid viewers ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

"Nakita ko sa mga tweets na sana mas maaga kasi maganda talaga yung show namin. So now na it's 40 minutes earlier, one timeslot earlier na, nakakatuwa," pahayag ni David Licauco.

"Mas marami nang makakanood, on GTV also. One timeslot earlier kasi madaming nakakatulog na po daw," dagdag naman ni Rob.

Pinupusuan naman online ang mga patok na TikTok videos ng cast na kinukunan nila tuwing break nila sa set.

Para kay Rob, nakakadagdag daw ito ng enjoyment niya sa pagtatrabaho.

"Sobrang saya po talaga. Hindi ko siya na experience before, it's the first time. Sobrang ang gaan lang 'pag dumadating ka. Ang saya pagdating, pagpasok ng set, masaya. Ang kulit ng lahat, lalo na po 'pag late na," kuwento ng aktor.

"Hindi talaga ako ma-TikTok, pero this one time ewan ko, for whatever reason, ginanahan ako," bahagi naman ni David Licauco.

Si David Chua na gumaganap bilang kontrabida sa show, nahiya pang makisali sa TikTok videos ng cast noon.

"Ako, ayoko pa nga sumama sa kanila noong una. Ayokong mag-TikTok, nakakahiya. Pero sabi ko sige, in character pa rin. Gawin natin, in character pa rin. Okay, game. Kinabukasan, sabi ni Kate (Yalung), 'David alam mo nag-trenidng tayo sa TikTok," paggunita ng actor-director.

Patuloy na tumutok sa pagpapatuloy ng kuwento ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 pm sa GMA Telebabad.

Huwag din palampasin ang same-day replay nito sa GTV, mula Lunes hanggang Huwebes, 11:30 pm at Biyernes, 11:00 pm.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.