TV

Ken Chan, natupad ang hiling na makatrabaho si Bianca Umali sa 'Mano Po Legacy'

By Aimee Anoc

Natupad ang isa sa mga hiling ni Ken Chan na makatrabaho si Bianca Umali sa isang Kapuso serye.

Ayon kay Ken, isa si Bianca sa mga Kapuso artists na pangarap niyang makatrabaho. Kaya naman masaya siya ngayong kasama na ang aktres sa pinakabagong rom-com series na "Her Big Boss," ang pangalawang installment ng GMA Telebabad series na Mano Po Legacy.

"Dream ko makatrabaho si Bianca. Alam mo nakita ko 'yung interview ni Bianca Umali na ang tanong kasi sa kanya 'Kung may makakatrabaho siya sino 'yung gusto niyang makatrabaho?' At ang isa sa mga sinagot niya ay ako," sabi ni Ken sa interview sa GMANetwork.com.

Dagdag niya, "I'm just so happy kasi ganoon din ako. Isa sa mga gusto kong makatrabaho talaga at dream ko makatrabaho ay si Bianca. Alam naman nating lahat kung gaano kagaling na aktres si Bianca Umali. Alam natin kung ano 'yung mga proyekto na ginawa niya na talagang sinuportahan ng mga tao.

"Nakakatuwa kasi kami ni Bianca parehas kami ng mga ginawang projects. What I mean is, 'yung mga projects at teleserye na ginawa namin may mga advocacies na tinatawag naming adbokaserye. Parehas kami ng pinanggalingan. Madalas ang ginagawa namin drama."

Ikinuwento rin ni Ken ang madalas na tanong nila ni Bianca sa isa't isa sa tuwing nagkikita sa trabaho. Aniya, "Everytime na nagkikita kami ni Bianca sa GMA ang lagi naming tanong sa isa't isa, 'Kailan kaya tayo magkakatrabahong dalawa? Sana dumating 'yung panahon na makaka-work namin 'yung isa't isa.' And ito na nga nangyari na rito sa Mano Po Legacy: Her Big Boss. Sobrang happy kaming dalawa."

Sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, napapanood si Ken bilang ang geeky boss na si Richard Lim habang binibigyang-buhay naman ni Bianca ang bubbly assistant na si Irene Pacheco.

Kasama rin nina Ken at Bianca sa seryeng ito sina Kelvin Miranda, Pokwang, Teejay Marquez, at marami pang iba.

Samantala, bukod sa "Her Big Boss," abala rin si Ken ngayon sa paghahanda para sa bago niyang kanta na ilalabas under GMA Music.

Mas kilalanin pa si Sparkle actor Ken Chan sa gallery na ito: