Barbie Forteza, may pasilip sa 'fan language' na mapapanood sa 'Maria Clara at Ibarra'
Ngayong Lunes na, October 3, magsisimula ang much-awaited historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Kaya naman excited na ibinahagi ng isa sa mga bida nitong si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang isa sa mga nakakatuwa pero historically-accurate na detalye na mapapanood sa show.
Sa tulong ng ilang historians, pinag-aralan daw nina Barbie at ng iba pang babaeng cast sa show ang iba't ibang paraan para gamitin ang abaniko para may iparating na mensahe.
"Kasi ang mga babae dati mahinhin lang 'di ba? Hindi agad-agad puwedeng makipag-communicate sa mga lalaki," paliwanag ni Barbie.
Nag-demonstrate si Barbie ng ilang bagay na maaring gawin sa pamaypay at ang kahulugan nito.
"Una, huwag mong ibubuka ng todong-todo 'yung pamaypay, dapat half lang," paliwanag ng aktres.
"Ayaw nila [ng bukas na bukas]. Dapat ganyan lang. Sana pala hindi na nila binuo," biro pa niya.
Dahil madalas gamitin ang pamaypay sa ligawan, maari mong gamitin ang pamaypay para magpahiwatig na kaibigan lang ang turing mo sa isang lalaki.
"'Pag mabagal kang nagpaypay, ibig sabihin 'yung lalakaking kaharap mo, hindi mo bet," bahagi ni Barbie.
Kapag naman nais mo pang higit na makilala ang isang lalaki, iba rin ang dapat mong gawin sa iyong abaniko.
"Pero 'pag bet mo, 'pag medyo natitipuhan mo yung lalaki, isasara mo sa harap niya ang pamaypay," aniya.
At kapag naman tuluyan nang nahulog ang loob mo sa kanya, dapat daw mamaypay nang "mabilis at nakatingin sa baba."
Ilan lang 'yan sa matutunan ng viewers sa Maria Clara at Ibarra, ang serye na tungkol sa isang Gen Z nursing student na mapapadpag da mundo ng mga nobela ni Jose Rizal.
Bukod kay Barbie, bibida din sa serye sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.
Huwag palampasin ang world premiere ng Maria Clara at Ibarra ngayong October 3, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SILIPIN DIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: