
Nagpapatuloy ang modern world adventures ni Kapuso actor Juancho Trivino bilang si Padre Salvi ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Nakabihis pa rin bilang Padre Salvi, bumisita si Juancho sa isang supermarket para mamili ng mga dadalhin nila para sa fiesta ng San Diego.
Kasama dito sina Kiel Rodriguez na gumanagap bilang sakristan mayor na si Renato at si Roven Alejandro na tumatayo bilang Spanish language coach sa serye, na nakabihis din bilang ang mga karakter sa nobela ni Rizal.
Kabilang sa kailangan nilang bilhin ay bigas at sibuyas. Hindi naman napigilan ni Juancho na mag-react sa presyo ng sibuyas.
"Napakamahal niyan! Mauubos ang ating mga indulgencia na kinuha sa mga taong bayan ng San Diego," aniya matapos himatayain.
Naghanap din ang tatlo ng hygiene products para kay Padre Salvi.
"Kailangan ko ng aking pang hugas ng buhok dahil nakikita n'yo naman, maraming nagsasabi na napakaganda ng aking buhok at maraming gumagaya," biro ni Juancho.
Dumampot siya ng liquid seasoning at mantika bago nakahanap ng shampoo.
Pero matapos ang lahat, walang naiuwi ang tatlo sa kanilang mga pinamili dahil sa kakulangan ng modernong pera.
"Oh siya, kuwentuhan na lang ang ating dadalhin sa ating fiesta. Vamos (Let's go)," sambit ni Juancho.
Panoorin ang kanilang pagbisita sa supermarket dito:
Samantala, tatawid na ang kuwento ng Maria Clara at Ibarra mula sa "Noli Me Tangere" patungo sa "El Filibusterismo."
Bukod sa matitinding eksena, nalalapit na ring makilala ang mga bagong karakter na papasok dito.
Kaabang-abang din ang magiging transformation ni Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang ang alaherong si Simoun.
Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
NARITO RIN ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: