TV

'Mars Pa More' hosts Camille Prats at Iya Villania, may aggressive tendencies?

By Patricia Isabella Romarate

Sa recent episode ng Mars Pa More, sumabak mommy tandem hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa isang personality test kung saan napag-alaman nilang posible daw na may aggressive tendencies sila.

Sa segment na "ParanorMars," ipinaliwanag ng clinical psychologist na si Richtoffen Dela Cruz kung bakit niya nasabing may aggressive tendencies ang dalawang Kapuso hosts sa pamamagitan ng graphotherapy.

Ayon kay Richtoffen, malalaman ito sa istilo ng pagsusulat sa loop ng mga letra tulad ng letrang 'Y'.

“Kapag mas lumalaki yung loop mo, that tends to be more of either your aggressive tendencies or your inflated emotionality,” sabi niya.

Iya Villania's name handwritten by her on a paper | Image source: Mars Pa More

Ang komento niya sa letrang 'Y' ni Iya ay, “Actually, yung mga ganito, na walang bilog, mas mahirap 'to kasi ito yung merong mga aggressive tendencies.”

Hindi rin nakaligtas ang handwriting ni Camille dahil para kay Richtoffen, ang letrang 'E' niya ay nagpapahiwatig rin ng aggressive tendencies.

Camille Prats's name handwritten by her on a paper | Image source: Mars Pa More

Aniya, “Pansinin mo, masyadong mahaba yung tail papunta [sa taas].”

Pinaalala rin ni Richtoffen na hindi lamang ang graphotherapy ang sukatan ng personality ng isang tao.

“I would like to emphasize na hindi lang po ito ang sukatan ng isang personality ng isang tao. Isa lang po itong paraan, isang tool. This is just only one way of doing it.”

Inalam rin ni Richtoffen Dela Cruz ang personality nina Sanya Lopez at Pamela Prinster sa pamamagitan din ng kanilang handwriting.

Panoorin ang highlight episode ng Mars Pa More dito: