TV

Mars Pa More hosts Iya Villania and Camille Prats , nanumpang magiging responsableng nanay ngayong panahon ng COVID-19 pandemic

By Racquel Quieta

Pinangunahan ng Mars Pa More hosts na sina Iya Villania and Camille Prats ang panunumpa tungkol sa pagiging responsableng mamamayan at ilaw ng tahanan.

Iya Villania at Camille Prats nanumpang magiging responsableng ina sa panahon ng COVID-19 pandemic / Image Source: MarsPaMore (FB)

Ang mga ina ay itinuturing na mga ilaw ng tahanan ng bawat pamilya. At sa panahon ngayon ng COVID-19 crisis, mahalaga ang papel na gagampanan ng bawat nanay.

Sila ang magsisilbing magandang halimbawa sa kanilang pamilya kung paano pangangalagaan ang kalusugan ng bawat isa, upang hindi mahawaan ng kinatatakutang COVID-19.

At sila rin ang paghuhugutan ng lakas at pag-asa ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Kaya kung ikaw ay isang nanay, makiisa at sabayan ang panunumpa nina Iya at Camille sa video na ito.

Para sa iba pang mga balita tungkol sa Coronavirus Disease, pumunta sa GMA COVID-19 page.

At para naman sa mga updates tungkol sa enhanced community quarantine, tumungo lamang sa ECQ page.

WATCH: Iya Villania-Arellano addresses mom-shamers tagging her as "pabayang ina"

'Mars Pa More' hosts Camille Prats at Iya Villania, may aggressive tendencies?

WATCH: Iya Villania nag-aalangan ba sa kaniyang third pregnancy?