TV

Kuya Kim, mapapanood na sa 'Mars Pa More' simula November 8

By Racquel Quieta

Simula sa Lunes, November 8, makakasama na nina Camille Prats at Iya Villania ang kanilang bagong co-host na si Kuya Kim Atienza sa Mars Pa More.

Noong late October, nagsimula nang mag-taping si Kuya Kim kasama sina Iya at Camille, at sa wakas ay mapapanood na siya ng Kapuso viewers sa Mars Pa More.

Sa virtual press con ng Mars Pa More ngayong Miyerkules, buong pusong winelcome nina Mars Camille at Iya ang kanilang bagong pars at co-host na si Kuya Kim.

Ayon kina Camille at Iya hindi nila inaasahang si Kuya Kim ang kanilang bagong makakasama sa show, pero naging magandang sorpresa raw ito.

“It's unexpected and a complete surprise to us kasi he's a pars,” ani Camille. “But we got excited as we also want to reach out not only to nanays out there, but also to kids, the bagets viewers and pasok doon si Kuya Kim with all his trivia.”

“Also, for the pars, may magtatayo na sa bandila ng male viewers. Naiba ang batuhan namin with Kuya Kim there,” dagdag pa ni Camille.

Bukod sa bagong host ay bago rin at mas pinaganda ang set ng morning talk and lifestyle show, at marami ring bagong dapat abangan sa kanilang mga segment.

Kuwento ni Iya, “Among the three of us, siya 'yung lalabas. He will go to restaurants, to gyms to interview Kapuso stars. Hindi namin 'yun magagawa.”

Bukod sa mga kaabang-abang na trivia at segments na gagawin ni Kuya Kim sa labas ay siya rin ang magsisilbing kanilang game master.

Ayon kay Kuya Kim, naging masaya at magaan ang kanilang trabaho sa Mars Pa More at lahat daw ay naging mabait at mainit ang pagtanggap sa kanya bilang bagoong host.

“I feel so warmly welcomed and overwhelmed in my new home. The transition was so seamless,” ani Kuya Kim. "I was wondering how will I be able to fit in this already well-oiled machine? It's going to be a challenge for me, but they made it so easy for me to fit in.

Kuwento pa ni Kuya Kim, hindi niya inakalang magiging ganito kasaya at kagaan ang pag-ho-host ng Mars Pa More.

“First episode pa lang, we enjoyed it na. I wasn't expecting the show to be this enjoyable, it's so much fun to do.

“Parang naglalaro lang kami. We do three shows per taping day. Parang bitin nga, kasi ambabait ng lahat, pati production staff. Everyone is pleasant.”

Abangan ang unang episode ni Kuya Kim as host, kasama sina Iya Villania at Camille Prats sa Mars Pa More, sa Lunes, November 8, 8:45 a.m sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Samantala, kilalanin si Kuya Kim sa gallery sa ibaba: