What's on TV

John Vic De Guzman, posibleng pormahan daw si Sanya Lopez?

By Dianne Mariano
Published December 2, 2021 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic De Guzman and Sanya Lopez


Kung sakaling handa na muling makipagrelasyon si John Vic De Guzman, si Kapuso actress Sanya Lopez daw ang posibleng pormahan nito.

Ibinahagi ng star athlete na si John Vic De Guzman na may posibilidad na pormahan nito si First Yaya star Sanya Lopez kung sakaling handa na muling makipagrelasyon ang una.

Sa “Tarantanong” segment ng Mars Pa More kamakailan, isang nakakaintrigang tanong ang binasa ni Pars Kuya Kim Atienza para sagutin ng aktor.

“After your 4th relationship, matagal ka na ring naging single. If ever ready ka nang makipagrelasyon ulit, sino ang posible mong pormahan? A. Sanya Lopez, B. Rachel Anne Daquis?” tanong ng Kuya ng Bayan.

“A,” sagot ni John Vic.

John Vic De Guzman

Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)

Napansin naman ni Mars host Camille Prats na tila'y may halong kilig ang pagsayaw ng kanyang co-host na si Iya Villania-Arellano matapos sagutin ng aktor ang tarantanong.

Dagdag na tanong ni Iya para sa atleta, “Wait, first of all, may something ba?”

“'Di, naka-work ko na siya before and then si ate Rachel Anne Daquis kasi parang bunsong kapatid ako before noong nasa national team. Bebe bebe ako ni ate Rachel,” sagot ni John Vic.

Ayon rin sa aktor, hinahangaan niya ang Kapuso actress dahil sa bait at galing sa pag-arte nito.

Aniya, “Si Sanya, sobrang in-a-admire ko siya kasi ang bait niya, at the same time, ang galing niya umarte.”

Panoorin ang “Tarantanong” segment ni John Vic sa Mars Pa More video sa itaas o DITO.

Para sa mas maraming pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA Network.

Samantala, muling kilalanin si Kapuso hotlete John Vic De Guzman sa gallery na ito: