What's on TV

Lara Quigaman at Rochelle Pangilinan, may kuwento tungkol sa kanilang mga mister

By Dianne Mariano
Published May 17, 2022 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis spends time with daughters, Lian Paz, John Cabahug during the holidays
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

lara quigaman at rochelle pangilinan


Ano kaya ang kuwentong hatid nina Lara Quigaman at Rochelle Pangilinan tungkol sa kanilang mga asawa? Alamin DITO:

Ibinahagi nina Lara Quigaman at Rochelle Pangilinan ang kanilang “bidang kuwento” tungkol sa kanilang mga mister sa Mars Pa More kamakailan.

Ipinakita ang video messages ng celebrity moms sa segment na“Mars Sharing Group” ng naturang programa. Unang ipinakita ang video ng Miss International 2005 titleholder at ibinahagi nito kung bakit siya proud sa kanyang asawa na si Marco Alcaraz.

LARA QUIGAMAN

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Kuwento ng dating beauty queen, “Alam mo sobrang proud talaga ako sa'yo bilang isang daddy dahil nakikita ko kung gaano mo kamahal 'yung mga boys natin. Alam n'yo ni Marco, kahit madaling araw kapag nasipa ng mga anak niya o natamaan, hindi 'yan nagagalit niyayakap pa niya.

“Tapos minsan kapag tinatamad akong bumangon, papakuhanin ko 'yan ng water o milk para sa mga bata. Babangon talaga 'yan kahit antok na antok siya. Kaya proud na proud ako sa'yo, I love you.”

Ayon naman kay Rochelle, proud na proud siya sa kanyang mister na si Arthur Solinap dahil sa pagiging hands-on nito sa kanilang anak na si Shiloh Jayne.

ROCHELLE PANGILINAN

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Aniya, “Ang kinaka-proud ko sa asawa ko ay simula noong dumating si Shiloh sa buhay namin, sobrang hands-on siya. Kaya niyang magpalit ng diapers, kaya niyang mag-alaga ng isang buong araw, isang linggo, kahit habambuhay nang siya lang, wala ako. Kayang-kaya niya. Kaya d'yan ako proud na proud sa kanya. I love you.”

Tinanong naman ni Pars Kim Atienza kung ano ang reaksyon ng aktor matapos marinig ang kuwento ng kanyang misis.

“Unang-una, kinakabahan ako noong umalis siya for lock-in [taping] ng isang buwan kasi ako lang maiiwan. After no'n, kaya ko naman pala,” sagot ni Arthur.

Panoorin ang buong “Mars Sharing Group” kasama sina Marco Alcaraz at Arthur Solinap sa Mars Pa More video sa itaas o dito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.

Samatala, balikan ang most-viewed episodes ng Mars Pa More noong 2021 sa gallery na ito.