TV

Jillian Ward, matindi ang paghanga kay Marian Rivera

By Dianne Mariano

Ibinahagi ni Sparkle actress Jillian Ward sa “Pass the Message” segment ng Mars Pa More na iniidolo niya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Ayon sa teen star, idol na niya ang kilalang aktres simula noong limang taong gulang pa lamang siya.

“Ako po talaga, idol na idol ko po si Ate Marian Rivera, since five years old po ako,” sagot ni Jillian kina Pars Kuya Kim Atienza at guest host Wilma Doesnt.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Paliwanag pa niya, “Siyempre lahat po ng iconic roles ng mga babae nagawa niya na po and bilang role model din po sa personal life niya. Sa family life niya po, naaalagaan niya po 'yung kids niya.

“Gusto ko po in the next 15 years parang maging gano'n din po ako. Maging successful po akong artista and sa personal life ko rin po na magkaroon po ako ng masayang family.”

Nang tanungin naman si Jillian kung kanino siya nai-intimidate, ito raw ay ang beteranang aktres na si Gina Alajar.

Aniya, “Alam naman po ito ni Nanay Gina Alajar kasi siya po ang aking director for three years sa Prima Donnas. Na-intimidate po ako sa kanya kasi s'yempre gusto ko po na ma-please ko po siya bilang director ko."

“So kahit love na love ko po siya, minsan natatakot pa rin po ako sa kanya kasi gusto ko po talaga na magustuhan niya po 'yung performance ko,” pagbabahagi ng dating Prima Donnas actress.

Panoorin ang buong “Pass the Message” segment nina Jillian Ward, Michael Sager, at Sean Lucas sa Mars Pa More video sa itaas o dito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.

Samantala, silipin ang jaw-dropping looks ni Jillian Ward sa gallery na ito.