TV

Julia Pascual names uncle Piolo Pascual as her role model in life

By Dianne Mariano

Nakatanggap agad ng mga tanong si Kapuso star Julia Pascual mula sa kanyang tito, ang showbiz actor na si Piolo Pascual, sa unang talk show guest apperance niya sa Mars Pa More kahapon, May 24.

Sa pamamagitan ng isang video, tinanong ng seasoned actor ang kanyang pamangkin tungkol sa nais niyang role, biggest role model in life, at kung saan nakikita nito ang sarili in 10 years.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More

Ayon kay Julia, nais niyang bumida sa mga action, thriller, o horror na project.

Aniya, “I've always been saying na gusto ko talaga mag-action or thriller or kahit horror. 'Yung mga mahirap na gawin, I really want to do that like Angelina Jolie is my favorite actress.”

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Para naman sa Kapuso talent, ang kilalang aktor ay ang nagsisilbing role model niya sa buhay.

Kwento niya, “Madami akong role model, but I guess where I am now my role model has been tito talaga. Si Tito Piolo Pascual because he started from the very beginning also and just to be part of that, I feel like 10 years from now I want to see myself as happy as him kasi I know he loves what he's doing."

Dagdag pa niya, "Hopefully, kahit madami na akong ginagawa, I'm still doing it because I actually love it and I'm happy with where I am."

Si Julia ay ang anak ng nakatatandang kapatid ni Piolo Pascual na si Pocholo Pascual.

Alamin ang mga sagot ni Julia Pascual sa Mars Pa More video sa ibaba.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes at 8:45 a.m. sa GMA.

Mas kilalanin pa si Julia Pascual sa gallery na ito.