TV

Mark Herras, nagkaroon muli ng direksiyon sa buhay nang magkaroon ng sariling pamilya

By Marah Ruiz

Inamin ni Kapuso actor Mark Herras na minsan na siyang nawalan ng direksiyon sa buhay.

Sunud-sunod kasing pumanaw ang kanyang lola, tatay, nanay, at tito na nagpalaki sa kanya.

Ayon kay Mark, pumasok siya sa showbiz para makatulong sa kanyang pamilya. Kaya nang mawala ang mga ito, tila nawalan din siya ng purpose.

"Parang walang direksiyon [ang buhay ko]. Sige, magtatrabaho ako pero 'yung pera ko after that parang one day millionaire lang ako. Wala naman akong pakialalm kasi ano pa 'yung purpose ko sa buhay?" kuwento niya sa programang Mars Pa More.

Nakaramdam daw siya ng depression ng mga panahon na iyon. Lagi din daw niyang tinatanong sa Diyos kung ano ang balak nito para sa kanya.

Nagbago daw ang lahat nang dumating sa buhay niya ang asawang si Nicole Donesa, pati na ang anak nilang si Corky.

Source: nicole_donesa (IG)

"Ito pala 'yung purpose ko, para matutuo ako sa buhay to be a responsible dad sa anak ko, to be a responsible partner sa wife ko. Ngayon, every time na may binibigay sa akin na project or trabaho ang GMA, bakit ka nagatrabaho? Para sa pamilya ko, para sa asawa ko, para sa anak ko," paliwanag ni Mark.

"Ako, na-experience kong mahirapan sa buhay kahit nag-aartista ako, ayokong ma-experience nila 'yun," dagdag pa niya.

Ikinasal nina Mark at Nicole noong September 8, 2021 sa isang civil ceremony. Ipinanganak naman si Corky noong january 31, 2021.

Silipin ang cutest photos ng anak ni Mark at Nicole na si Corky dito: