Showbiz News

WATCH: Sino ang ka-'Meant To Be' ni Barbie?

By GIA ALLANA SORIANO

 

Sa report ni Lhar Santiago para sa 24Oras, tinanong sina Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Ken Chan kung bakit sila ang dapat piliin ni Barbie Forteza bilang Billie Bendiola sa “Meant To Be.”

 

Ani ni Jak, “Kailangan niya ng isang taong makakaagapay niya, magiging inspirasyon niya, at ‘yung naiintindihan niya na Pinoy na kagaya ko, diba?”

Ika naman ni Ivan, “Marami kasing nangyayari sa buhay niya na panggulo, at she needs ‘yung parang stable na talagang pillar pag dating sa pagibig.”

 

Para naman kay Addy, “Medyo seryoso ang buhay ni Billie, so kailangan medyo masaya, medyo fun, and that's what Jai brings to the table.”

 

Naging mas personal naman ang sagot ni Ken, “Parehas kaming taga-Biñan ni Barbie. Parehas kami ng kinalakihan. Five years na kaming magkasama sa Tween Hearts. Komportable na kami sa isa't isa. Nagkakaintindihan kami. ‘Yung mga characters namin hindi nagkakalayo.”
 
Sino nga ba ang tunay na ka-Meant To Be ni Billie? Abangan sa “Meant To Be” sa GMA Telebabad!

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago:

 

MORE ON MEANT TO BE: 

Ivan Dorschner at Addy Raj, Kapuso na! 

Jak Roberto at Ivan Dorschner excited sa bago nilang project sa GMA

Ken Chan to his fans: "I am [grateful] to have you in my life"