GMA Logo Miguel Tanfelix and Kokoy de Santos in Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, 'Mga Batang Riles' stars, paano naka-relate sa kanilang mga karakter?

By Kristian Eric Javier
Published January 7, 2025 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)
NAPOLCOM declares zero case backlog
Over 130 families at Tent City in Cebu get Christmas gifts

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Kokoy de Santos in Mga Batang Riles


Alamin ang pagkakapareho ng mga bida ng 'Mga Batang Riles' sa kanilang mga karakter.

Ipinalabas na ang unang episode ng pinakabagong action series sa GMA Prime, ang Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon. Ngunit paano nga ba sila nakaka-relate sa kani-kanilang mga karakter?

Sa pagsalang nina Miguel, Kokoy, Raheel, Bruce, at Antonio sa GMA Integrated News Interviews kasama si Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Lunes, January 6, ay inamin ni Miguel na marami siyang pagkakapareho sa kaniyang karakter na si Kidlat.

Aniya, “Si Kidlat, siya 'yung batang matapang na kung meron siyang gusto, ipaglalaban niya. Pero hindi lang siya basta sugod nang sugod, naniniwala kasi siya na ng tunay na matapang, pumipili ng laban na 'yun din 'yung mantra ko sa totoong buhay.”

Naging challenge rin umano para kay Kokoy de Santos ang kaniyang bagong role lalo na dahil nanggaling at mas nakilala siya umano sa comedy.

“Mas nakilala rin siguro ako sa comedy so this time, ang challenge sa'kin, may mga lines na minsan, alam ni Miguel 'yan, na 'Punchline 'to e. Hindi, ta-try kong iseryoso,'” sabi ng aktor.

Sasabak naman sa matinding action si Raheel sa kaniyang karakter bilang si Siga, o mas kilala bilang si Sig. Kaya naman puspusan ang paghahanda niya sa boxing at martial arts. Pag-amin pa ng aktor, nakakaramdam siya ng fulfillment para sa sarili tuwing nakakagawa action scenes.

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG MGA BIDA NG 'MGA BATANG RILES' SA NAGANAP NA MEDIA CON SA GALLERY NA ITO:

Sa kabila ng karangyaan na tinatamasa ni Mathos, ang karakter ni Bruce, matindi rin umano ang pinagdadaanan nito, isang bagay na alam niyang makaka-relate ang ibang mga manonood.

“Hindi kasi siya tinatanggap bilang anak and ang gusto lang ni Mathos is to prove himself sa mga magulang niya,” sabi ng aktor.

Bilang anak ng beteranong aktor na si Roi Vinzon, aminado si Antonio Vinzon na naging malaking tulong ang payo ng kaniyang ama sa pagganap niya sa kaniyang bagong karakter na si Dagul, isang vlogger at prankster ng grupo.

“Unang-una, sinasabi niya sa'kin nu'ng bata pa lang po ako, 'Stay grounded. Basta, tandaan mo anak, 'pag nag-prepare ka sa set, parang ako, 'yung preparation ko, kapag nakasuot na ako ng barong, presidente na ako.' 'Yun 'yung ginagawa ko po. 'Pag nakasuot na ako ng damit, short, siyempre dapat bibo ako, matuwa rin ako, makulit ako dapat,” sabi niya.


Panoorin ang kanilang panayam dito: