GMA Logo sanya lopez
What's on TV

Sanya Lopez, sumalang sa horseback riding training para sa 'Mga Lihim ni Urduja'

By Abbygael Hilario
Published March 2, 2023 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal sa kanyang first love; snippets ng kanilang wedding, ipinasilip
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez


Handa na si Sanya Lopez na ipakita ang kaniyang galing sa pangangabayo!

Lubos ang ginagawang paghahanda ni Sanya Lopez para sa kaniyang karakter na si Hara Urduja sa mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja.'

Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang ilang mga larawan na kuha mismo sa kaniyang horseback riding training.

Kitang-kita sa kaniyang post kung gaano ka-confident si Sanya habang nakasakay sa iba't ibang kabayo.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Sa unang tatlong araw pa lang ng naturang action-adventure series ay marami na ang humanga sa ipinakitang husay ni Sanya sa iba't ibang eksena.

Napanood sa mga nakalipas na episode kung gaano ito kagaling pagdating sa fight scenes at pagsasayaw.

Samantala, kagabi ay muling nagpakita si Hara Urduja sa panaginip ni Gemma (Kylie Padilla).

Ano kaya ang gusto niyang ipahiwatig kay Gemma?

Alamin 'yan sa mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: