TV

'Mulawin VS Ravena' cast, sumabak na sa matinding physical training

By AL KENDRICK NOGUERA

 

 

Nagsimula na ang physical training ng cast members ng pinakahihintay na GMA telefantasya na Mulawin VS Ravena kahapon, February 22.

 

Sumabak na sa fight training ang Kapuso actors na sina Kiko Estrada, Bea Binene, Derrick Monasterio at Dennis Trillo na sumailalim sa grupo ng professional martial artists. Matapos ang pagsasanay, ibinahagi ng cast ang kanilang kakaibang experience. 

Ayon kay Dennis, hindi pa rin daw madali ang training kahit na kabilang na siya sa cast ng orihinal na Mulawin. "Kailangan magmukhang professional kasi 'yung roles namin dito [ay] warriors so kailangan [ay] ma-perfect namin 'yung tamang form, maging confident kami roon sa routine para mas maging kapani-paniwala 'yung ginagawa namin," saad niya.

Kuwento naman ni Bea na may experience na sa martial arts dahil sa wushu, nahirapan pa rin daw siya rito. Aniya, "May challenge pa rin pero may advantage na."

Ikinumpara naman ni Derrick ang naranasan sa kanyang Tsuperhero role. "Mahirap po kasi may kasamang weapon, sa Tsuperhero fist fight lang. Iba na talaga kasi dapat most of us ay sanay [sa weapons] so mahirap siya pero kakayanin," anang aktor.

Samantala, iba naman ang ikinatuwa ni Kiko sa kanilang training. Saad niya, "Sobrang enjoy po kasi nakapag-bond po kami nina Kuya Dennis, Bea at Derrick. And siyempre may physical activities para sakto na 'yung katawan namin pagdating sa taping at dapat handa kasi hindi kami puwedeng mag-double."

Abangan ang Mulawin VS Ravena, soon on GMA Telebabad.

MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':

READ: Original Aguiluz Richard Gutierrez, may mensahe sa pagkakasama ni TJ Trinidad sa 'Mulawin VS. Ravena'

READ: Is Heart Evangelista part of the big Kapuso telefantasya series, 'Mulawin vs. Ravena?'