TV

WATCH: Ariel Rivera and Ms. Regine Velasquez-Alcasid, balik-tambalan matapos ang 12 years

By AL KENDRICK NOGUERA

Maraming Kapuso love teams ang bibida sa inaabangang Mulawin VS Ravena at isa na rito ang tambalan nina Ariel Rivera at Ms. Regine Velasquez-Alcasid na sumikat noong '90s.

Matatandaang taong 2004 pa ang huling Kapuso teleserye na pinagsamahan nina Ariel at Regine na Forever in My Heart. Matapos ang 12 years, muling magpapakilig ang former real life couple sa telebisyon bilang Panabon at Sandawa sa iconic telefantasya.

Binisita ni Aubrey Carampel ang dalawang beteranong aktor sa mismong set ng Mulawin VS Ravena kung saan naabutan niyang naka-full costume sina Ariel at Regine. "Nagkaroon ng circumstances sa story na kailangan niya akong sagipin," paliwanag ni Ariel sa koneksyon ng kanilang roles. 

Ayon kay Regine, ito raw ang kanyang unang telefantasya at bibigyang buhay niya ang isang Diyosa ng Kalikasan. Samantala, si Ariel naman ay isang half-blooded Mulawin. "Siya 'yung magiging conflict between me and my daughter Lovi [Poe]," paliwanag ng Asia's Songbird. 

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.

Video from GMA News

MORE ON MULAWIN VS RAVENA:

LOOK: Tom Rodriguez, Ariel Rivera, and Ms. Regine Velasquez-Alcasid complete the cast of 'Mulawin VS Ravena'

EXCLUSIVE: Meet the official cast of 'Mulawin VS Ravena'

'Mulawin VS Ravena' star Miguel Tanfelix on Bianca Umali as the new Lawiswis: "Bagay, ang ganda niya"