TV

EXCLUSIVE: Ano'ng reaksiyon ng DerBea nang malamang papasok si Sang'gre Pirena sa 'Mulawin VS Ravena?'

By Al Kendrick Noguera

Nabigla at hindi makapaniwala ang Kapuso love team na sina Derrick Monasterio at Bea Binene nang malamang papasok ang character ni Glaiza de Castro na si Sang'gre Pirena sa Mulawin VS Ravena.

Pag-amin nina Derrick at Bea, nalaman lang nila ang napakagandang balita na ito sa exclusive interview ng GMANetwork.com. "Exciting! Very exciting 'yan! Ngayon lang namin nalaman eh," pahayag ni Derrick. 

"Sobrang happy for her sa success niya sa Encantadia. So happy ako na magkakatrabaho rin kami rito sa Mulawin VS Ravena," ani Bea.

Nagpapasalamat daw ang DerBea dahil muli nilang makakasama sa isang show si Glaiza. "Naging close namin siya dahil sa Vampire Ang Daddy Ko. Ang tagal na naming hindi nagkikita," saad ni Bea.

Dagdag ni Derrick, "'Yung saya namin is personal kasi 'yun nga, makikita namin siya ulit, makaka-bonding namin siya so we're happy."

Ano kaya ang magiging ugnayan ni Sang'gre Pirena sa mga taong ibon? Kakampi ba siya ng mga Mulawin o ng mga Ravena? Abangan sa susunod na episodes ng Mulawin VS Ravena, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.