Kabilang ang usapang pagtataksil sa karelasyon ang pinag-usapan sa vodcast na “Your Honor” nina Chariz Solomon at Buboy Villar, at mga gusest na sina Arra San Agustin at Mikoy Morales.
Para kay Arra, may malaking kinalaman ang insecurity kung bakit nagagawa ng taong magtaksil sa karelasyon.
“Ako feeling ko puno't dulo niyan insecurity talaga. Pagka-insecure ka sa sarili mo, probably insecure ka sa career mo. Or sa pamilya mo, like may insecurity talaga regardless kung saan nangagaling 'yung insecurity na 'yun. Kaya ka nagche-cheat 'yun talaga. Kasi, kung secure kang tao, confident ka,” paliwanag ng aktres.
“Alam mo naman sa sarili mo na itong taong ito pinapahalagahan ka, pinapahalagan mo rin 'tong partner mo. Hindi mo naman gagawin 'yun, hindi papasok sa isip mo 'yun e,” patuloy niya.
Natanong naman ni Buboy kay Arra kung ano naman kaya ang dahilan para sa isang babae na magtaksil?
Dito ikinuwento ni Arra ang karanasan ng isang kakilala niya na nagawang magtaksil sa karelasyon dahil hindi niya kayang sabihin na partner na ayaw na niya at naaawa ito.
“May kakilala ako na parang nag-cheat siya, kasi hindi niya ma-let go 'yung boyfriend niya. Parang, naawa siya 'tsaka for her parang very familiar hindi na siya makakahanap ng ganitong kabait na tao,” sabi ni Arra.
“So, napa-cheat siya, kasi hindi niya ma-let go, hindi niya kayang sabihin. Wala siyang ‘balls’ to say what she truly feels. Iba-iba nga kasi 'yung mga tao,” dagdag ng aktres. – FRJ GMA Integrated News
