TV

FIND OUT: Sino-sinong 'Encantadia' stars ang papasok sa 'Mulawin VS Ravena?'

By Al Kendrick Noguera

Encantadiks, susuklian ng GMA ang walang sawa ninyong pagsuporta sa Kapuso network! Kaya naman asahan ninyo ang isang sorpresa na ihahandog namin dahil mapapanood ninyong muli ang ilan sa cast ng Encantadia gabi-gabi!

Na-miss ba ninyo sina Sang'gre Pirena at Lira? Huwag kayong mag-alala dahil mapapanood na ang iconic characters nina Glaiza de Castro at Mikee Quintos sa susunod na episodes ng higanteng telefantasya na Mulawin VS Ravena!

 

Ano kaya ang magiging ugnayan nina Sang'gre Pirena at Lira sa mga taong ibon? Alamin ang sagot sa pagtutok sa Mulawin VS Ravena, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Avisala eshma, Encantadiks!