
Ikinuwento ng Kapuso star na si Caitlyn Stave ang kanyang experience na makatrabaho ang aktres na si Max Collins sa primetime series na My Guardian Alien.
Binibigyang-buhay ni Caitlyn ang role bilang si Halley, ang nakababatang kapatid ni Venus (Max Collins) na kumukuha ng kursong film.
Related gallery: Meet the stellar cast of 'My Guardian Alien'
Sa recent Kapuso ArtistTambayan, ikinuwento ni Caitlyn na mayroon silang pagkakatulad ni Max at sila'y nagtutulungan sa kanilang mga eksena.
“It's more playful kasi I think that Max and I, personally, we have a lot of things in common with our upbringing. It's really fun to work with her and [in] our scenes we help each other. She helps me a lot. We invest in each other's emotions. So it's really easy to work with her po,” aniya.
Matatandaan na nagkaroon sina Caitlyn at Max ng matinding eksena sa My Guardian Alien, na kinaaliwan ng netizens at umani ng mahigit 13 million views sa Facebook. Sa 9th episode ng programa, nagkaroon ng matinding sagutan sina Venus at Halley dahil nais bumalik ng huli sa Maynila.
Tinawag ni Halley si Manong Ben upang ihatid siya pabalik ng Maynila ngunit hindi pumayag dito si Venus. Dahil dito, sinabi ni Halley na magko-commute na lamang siya at humingi ng pamasahe kay Venus pero hindi siya binigyan nito.
Tinanong ng Kapuso host na si Maey Bautista si Caitlyn kung ano ang nararamdaman nito sa pag-viral ng eksena nila ni Max.
“It feels great,” sagot ng aktres.
Bukod dito, labis ang pasasalamat ni Caitlyn na mapabilang sa cast ng My Guardian Alien.
“I really am very grateful to be part of this project kasi it's full of very talented actors [and] actresses. It's really fun to be working with these people for the first time. I really am very grateful,” saad niya.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.