
Tumitindi ang bawat tagpo sa GMA Prime series na My Guardian Alien dahil malalaman na ni Venus (Max Collins) ang totoo tungkol kay Grace (Marian Rivera).
Sa inilabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at social media ngayong Huwebes (May 30), napanood na makikita ni Venus ang pagre-recharge ni Grace sa ilalim ng araw.
Sa paghaharap ng dalawa kasama si Carlos (Gabby Concepcion), tinanong ni Grace si Venus kung paplastikin na naman ba siya nito. Dahil dito, sinabi ni Venus na hindi siya plastik kundi isang tao at tinanong pabalik si Grace kung isa ba siyang tao.
Samantala, umani ng mataas na TV ratings ang nakaraang episodes ng My Guardian Alien. Nakapagtala ang 42nd at 43rd episodes ng 10.6 at 9.4 percent na ratings base sa NUTAM People Ratings.
PHOTO COURTESY: GMA Drama (Facebook)
Abangan ang mga eksena mamaya sa My Guardian Alien, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.