TV

Ang lihim ng mga Soriano | 'My Husband's Lover' Episode 40

By Cara Emmeline Garcia

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Sa May 26 episode nito, makikilala natin si Zandro (Keempee de Leon), ang binabaeng kamag-anak at most kept secret ng buong pamilya Soriano.

Dahil sa hindi pagtanggap ng pamilya sa itsura at pagkatao niya, tuluyang nasira ang dapat masayang selebrasyon ng angkan.

Kinaladkad ni Armando (Roi Vinzon) si Zandro palabas at nauwi pa sa pambubugbog nito.

Sa awa na naramdaman ni Vincent (Tom Rodriguez), 'di niya napigilang magtaka kung ganun din ba ang kahahantungan niya sa pagkakataong aminin niya ang tunay niyang pagkatao sa kanyang pamilya.

Ganito kaya ang hinaharap ni Vincent? Tutok lang sa My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Kung may gusto kayong balikan na episode, maari niyo rin panoorin ito sa official website ng GMA Network o ng GMA Network app.