TV

Zandro discovers Vincent's gender identity | 'My Husband's Lover' Ep. 46

By Cara Emmeline Garcia

Sa June 14 episode ng My Husband's Lover, bakas sa mukha ni Eric (Dennis Trillo) ang saya matapos pagselosan ni Vincent (Tom Rodriguez) ang bago niyang kaibigan na si Martin (Rodjun Cruz).

Habang si Vincent, hindi na mapigilan ang tunay na nararamdaman para kay Eric.

Dahil dito, nanghingi siya ng advise sa kanyang pinsan na si Zandro (Keempee de Leon) upang mabigyan ng direksyon ang kanyang buhay. Hindi inaasahan ni Vincent na alam na ni Zandro ang kanyang tunay na pagkatao simula noong pagkabata pa lamang.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Vincent tungkol dito?

Samantala, pilit na itinatanggi ni Lally (Carla Abellana) ang paratang ng kanyang biyenan na isa siyang taksil na asawa kay Vincent.

Paano kung ipakita ni Elaine (Kuh Ledesma) ang ilang litrato ng paghalik ni Paul (Pancho Magno) kay Lally? Mabago niya kaya ang isipan ng kanyang biyenan?

Mapapanood ang My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 pm, pagkatapos ng The Boobay and Tekla Show.

Kung may gusto kayong balikan na episode, maaari niyo rin panoorin ito sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.