TV

Cast ng My Husband’s Lover, bittersweet sa nalalapit na pagwawakas ng mapangahas na serye


Hindi maitatangging napakalakas ng naging impact sa Philippine popular culture ng My Husband’s Lover. Nabago na rin nito ang kasaysayan ng Primetime television dahil sa mahusay na pagkakasulat at mapangahas na tema nito.

Ano kaya ang nararamdaman ng mga nagsiganap sa sikat na seryeng ito, ngayong magwawakas na ito? Nakapanayam ng GMANetwork.com ang ilang miyembro ng cast at itinanong namin sa kanila ito.

Narito ang kanilang mga kasagutan:

Tom Rodriguez: “Nakakalungkot. Totoo nga pala ‘yung sinasabi nilang separation anxiety- ‘yung you’re leaving your child or sending your child off to school. Parang siguro in denial pa rin ako. Kaming lahat, we had such a fun time and we don’t want it to end kahit dramatic siya. It’s been a great experience.”

Roi Vinzon: “I’m just really thankful. Thank you so much. Wala talagang pagsisisi dahil ‘yung mga kasama kong actors ang gagaling talaga. Eksaktong eksakto ‘yung roles sa lahat. Pati ‘yung director, writers, down to the staff, magagaling talaga lahat. Thank you, and sa uulitin na lang.”

Glydel Mercado: “Bittersweet kasi siyempre lahat sila naging ka-close ko na. Even si Direk, ka-close ko kasi ‘pag wala kaming ginagawa, kami ‘yung nagkukuwentuhan. Pati si Lally! Lally na nga ang tawag ko kay Carla. Si Karel! Mga anak ko ‘yan. Ang hindi ko lang masyadong nakaeksena, si Ms. Chanda, pero naging close kami dahil sa concert.”

Keempee de Leon: “Kahit mag-eend na, masaya ako kasi I got to have another different experience. I’ve done gay roles before. Dito [sa My Husband’s Lover], medyo serious side. Nakakatuwa kasi tumatak agad sa mga tao ‘yung Zsa Zsa/Zandro character ko.”

Victor Basa: “My journey as David started off as very heartbreaking. Hindi siya unrequited love kasi may nangyari na at na-cut short lang, so I gave up my greatest love na si Vince because I wanted him to have a better life. Ang dami ko rin natutunan from my character, so I’ll always look back at those lessons. Ang ganda kasi ng My Husband’s Lover because it will make you regain your faith sa pagmamahal.”

Kevin Santos: “Sad, pero glad at the same time kasi ang dami kong natutunan kay Danny. ‘Yung background ni Danny is hindi biro, eh. Napakabait niya at napakaresponsible niya. Minsan yung gays nami-misinterpret negatively, pero hindi dapat.”

Pancho Magno: “Ang memorable kasi ng My Husband’s Lover para sa akin kaya nakakasenti na tapos na. ‘Yung scene ko with Tito Roi and ‘yung kissing scene ko with Lally, kinabahan ako doon. Nagbrush ako ng mga 100 times. Mas grabe ‘yung kay Tito Roi kasi nung bata ako pinapanood ko lang siya, tapos nakaeksena ko at nilabanan ko pa so sobrang wow. Gusto ko rin kasing maging action star sana in the future. Sobrang close kami ni Tito Roi at sobrang supportive niya.”

Huwag palampasin ang huling dalawang episode ng My Husband’s Lover , pagkatapos ng Akin Pa Rin Ang Bukas sa GMA Telebabad. -Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com