TV

Bb. Joyce Bernal on choosing Gil Cuerva: 'He's someone na I can work with'

By GIA ALLANA SORIANO

Sa interview ni Bb. Joyce Bernal sa Kapuso Mo, Jessica Soho, sinagot ni Direk Joyce kung bakit si Gil Cuerva ang napili niyang gumanap bilang Pinoy Matteo.

 

Aniya, "Ang tinitingnan ko kasi, lahat kasi ng nag-audition, actually gwapo silang lahat. Pero tinitingnan ko 'yung dating niya sa akin sa screen, hindi 'yung personal. Kasi syempre doon mo lang siya papanoorin, [sa TV screen.] Titingnan ko kung may dating siya at interesting siya panoorin."

Sumunod naman sa test niya ay ang screen chemistry ng mga nag-audition sa magiging leading lady nila na si Jennylyn Mercado. At ayon kay Direk Joyce, pasadong-pasado sa dalawang screen test si Gil Cuerva.

Dagdag pa niya, "Kailangan mahal siya ng camera, gusto ko siya panoorin, at meron [si Gil] nun. Kungbaga sa canvas, I work can on it. So he's someone na I can work with, na kaya ko ayusin at i-improve. Or gagawin nung katulad nung sa character na Matteo."

Bilang baguhang aktor, tinutukan din ni Direk Joyce si Gil mula sa pag-acting hanggang sa pananamit, hanggang sa mabuo nila ang karakter ni Matteo Domingo.

 

Para naman kay Gil, napili rin siya ng kanilang director dahil isa siyang fresh face. Paliwanag niya, "I guess ako 'yung pinili, siguro dahil hindi pa ako kilala. So may certain element ng mystery. Mas mysteryo ako. Kasi non-entity ako, hindi ako kilala, model lang. Never ako umarte, 'di pa ako pumapasok sa showbiz, kaya siguro ako ang pinili, para fresh face talaga."

Video from GMA Public Affairs

Abangan si Gil Cuerva bilang Matteo Domingo sa My Love From The Star, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.