TV

Bakit si Gil Cuerva ang pinili ni Direk Joyce Bernal na maging Matteo sa My Love From The Star?

By GIA ALLANA SORIANO

 

Photo by: Michael Paunlagui, GMA Network Inc.

Sa pocket presscon ni Bb. Joyce Bernal, Jennylyn Mercado, at Gil Cuerva para sa My Love From The Star, naikuwento ni Direk Joyce kung bakit si Gil Cuerva ang pinili niya upang gumanap kay Matteo sa Philippine adaptation ng sikat na Koreanovela.

Aniya, "His look sa camera. He's really good to look at, to watch, parang ganun. If I'm looking for a newbie na talagang sana wala pang acting experience, at least man lang he [should] really look good on camera. Masarap siya panoorin, kasi kapag hindi ka masarap panoorin, bibitawan ka talaga."

Nasabi rin niya na kasama siya at si Jennylyn sa pagpili ng leading man para sa My Love From The Star, aniya naka-two to three months din ang process ng audition. 

Dagdag ni Direk, "Well, kasama rin siya after three auditions. Nag-usap kami ni Jennylyn, and sinabi niya, na with regards to speaking, mas nag-agree kami na mas may promise si Gil. Mas kaya namin, na we can work with him."

More on My Love From The Star:

My Love From The Star: Paparating na si Steffi at Matteo sa GMA

Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, paano pinaghandaan ang romantic scenes nila sa 'My Love From The Star'? 

WATCH: Gil Cuerva, aminado na may isinakripisyo nang mapasama sa 'My Love From The Star'