TV

Ilang artista ang pinataob ni Gil Cuerva sa audition ng 'My Love From The Star'?

By AL KENDRICK NOGUERA

Ipinalabas na ang unang gabi ng My Love From The Star kahapon, May 29. Kasabay ng inaabangang GMA teleserye, ipinakilala na rin ang bagong GMA actor na si Gil Cuerva.

Sa panayam kay Gil noong press conference ng GMA Telebabad soap, ikinuwento niya ang mga isinakripisyo niya para sa show. Aniya, "Habang nasa Hong Kong ako, in-email ako to audition for My Love From The Star. Tapos I checked 'yung audition dates, tapos nagkataon, sakto sa break ko kasi I was supposedly on a two-week break to fix my visa para sa Thailand. Magmo-model dapat ako sa Thailand."

Dumaan daw sa series of audition si Gil at nagkaroon nga ito ng conflict sa schedule ng kanyang international modelling stint. "Umabot sa I had to choose whether to model for Thailand or to push through with auditioning for the show. Sabi ko, just give it one big try, one big fight. And I did audition for the show tapos nakuha ko," saad niya.

Hindi raw talaga inaasahan ni Gil na makuha bilang leading man ni Jennylyn Mercado. "Siguro 'yung first audition siguro nasa 20 [kami]. Tapos 'yung iba [ay] talagang may mga experience, as in experienced actors na nakapag-workshop at lahat. Ako, first time talaga. Kahit man lang background wala po eh. Talagang bagong-bago po," paliwanag niya.

Dahil aminadong baguhan sa showbiz, talagang seryoso raw si Gil sa pag-aaral sa pag-arte. "Sa acting, siyempre it's completely new to me because everything is completely foreign. I'll take the opportunity to learn and get better," saad ng My Love From The Star actor.