TV

WATCH: Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, may mga plano na pagkatapos ng 'My Love From The Star'

By Marah Ruiz

Palapit na nang palapit ang pagtatapos ng Pinoy adaptation ng hit Korean series na My Love From The Star.

"Sa dami ng eksena, medyo busy kami. Wala kaming time malungkot. Ang ginawa namin, nagkaroon kami ng parang day na puwede kaming magsama-sama, magsaya," kuwento ng lead star na si Jennylyn Mercado sa huling mga araw ng taping para sa serye. 

Inilarawan naman ng kanyang leading man na si Gil Cuerva kung ano ang naghihintay para sa kanyang karakter na si Matteo sa finale. 

"Alam nating lahat na alien si Matteo. Hindi siya puwedeng magtagal dito sa Earth or else, hindi natin alam kung ano'ng mangyayari kay Matteo. Mamamatay ba siya? Mawawala ba 'yung powers niya?" pahayag nito. 

Pagkatapos ng serye, parehong may mga plano na sina Jennylyn at Gil.

Magsisismula na si Jennylyn ng taping para sa kanyang bagong pelikula na sasabak sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, habang acting workshops naman ang pagkaka-busy-han ni Gil. 

"I could play a person with a disability or I could play a person with a mental health problem," paglalarawan ng model-actor sa mga roles na gusto niyang masubukan. 

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:


Huwag bumitaw sa huling mga episodes ng My Love From The Star! Abangan ito pagkatapos ng Mulawin VS Ravena sa GMA Telebabad.