TV

WATCH: Rita Daniela, emosyonal nang masungkit ang role sa 'My Special Tatay'

By Felix Ilaya

Hindi napigilan ni Rita Daniela ang pagluha nang interbyuhin siya ng 24 Oras tungkol sa kaniyang role sa My Special Tatay.

Aniya, "It's true pala noh? If you're just gonna be faithful and you stick to your goals and your faith in God, grabe sobrang ibibigay niya talaga sa 'yo."

Ngunit hindi lang ang role niya bilang Audrey sa My Special Tatay ang pinagdasal ni Rita, alam n'yo ba na matagal na rin niyang nais makaeksena si Ken Chan?

"Ever since nang mapanood ko si Ken Chan, gusto ko siyang makatrabaho and he was really, really nice. Nung nagkita kami sa taping, niyakap niya ako ng matagal nang sobrang mahigpit, naramdaman ko 'yung happiness," wika ng aktres.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan below:

Video courtesy of GMA News