TV

Glaiza De Castro gets surprise message from Irish fiancé during GMA Pinoy TV live virtual event

By Jansen Ramos

Naki-bonding ang cast ng bagong GMA series na Nagbabagang Luha na sina Glaiza De Castro, Rayver Cruz, Mike Tan, Claire Castro, at Royce Cabrera sa ilang Kapuso abroad ngayong Miyerkules, July 28, sa 'Pinoy Abroad Fun Connect' virtual event.

Live itong napanood sa Facebook page ng GMA international flagship channel na GMA Pinoy TV.

Nagkaroon ng chance ang ilang Kapuso fans hindi lang sa Pilipinas kundi sa USA, Canada, Kuwait, Lebanon, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Israel, Japan, Singapore, Thailand, Hong Kong, at Russia na makipagkwentuhan kina Glaiza, Rayver, Mike, Claire, at Royce.

Bukod sa chikahan, nakatanggap din ng surprise message ang Nagbabagang Luha female lead star na si Glaiza mula sa kanyang fiancé na si David Rainey na isang Irish national.

Ayon sa video na ipinadala ni David sa GMA Pinoy TV, "My favorite trait of Glaiza is her spontaneity. So, I guess, you never know what you're gonna get which I like.

"The thing I miss most about her is everything, really, but I miss adventuring, traveling, and trying new things with her."

Nagpaabot din ng pagbati si David para sa Nagbabagang Luha team.

Dugtong ng non-showbiz personality bago ipakita ang magandang tanawin sa Ireland, "My message for the staff of Nagbabagang Luha is congratulations, well done. I know how hard everyone has worked and I'm sure it's gonna be a huge success."

Nakatanggap din ng mensahe si Glaiza at ang Nagbabagang Luha team mula sa ina ni David at future mother-in-law na si Susan Rainey.

"I just want to wish you and the cast of your show all the very best for Nagbabagang Luha. I'm not sure if I got that right. You try to help me pronounce when you are here but I'm still trying," sambit ni Susan na nahirapang bigkasin ang mga salitang "Nagbabagang Luha."

Miss na rin daw ni Susan ang pagiging spontaneous ng nobya ng anak.

Pagbabalik-tanaw niya, "We had such a great time here when you were here last Christmas and just love the way you enjoy everything, and I love how spontaneous you are.

"It's just great how you jumped on the plane to come to Wales with us and come to Portugal and we had fun."

Pagtatapos ng ina ng mapapangasawa ni Glaiza, "Well I just love to see you and David together and I know how much you love each other so come back soon. We miss you."

Hindi naman in-expect ni Glaiza na mayroon palang inihandang mensahe si David at ina nito kaya kitang-kita na abot tenga ang ngiti ng aktres matapos mapanood ang kanilang mga video.

"Di ko in-expect, 'di ko in-expect talaga. Alam n'yo naman si David at saka 'yung family n'ya very private people sila.

"Nakaka-miss din sila kasama nakakatuwa lang na kahit na araw-araw kami magkausap, 'di ko pa rin in-expect na may ganito s'yang message.

"And nakaka-proud kasi hindi lang s'ya proud din sa akin, proud din s'ya sa mga tao na nakatrabaho ko kasi kinukwento ko kung gaano ka-challenging para sa 'ming lahat itong show na 'to."

Biniro naman si Glaiza ng kanyang Nagbabagang Luha leading man na si Rayver na huwag pigilang umiyak dahil sa sweet message ng long-distance fiancé. Last January pa ang huling pagkikita nina Glaiza at David matapos magbakasyon sa Ireland ang aktres.

Samantala, nakatanggap din si Rayver ng surprise message at mula ito sa kanyang kapatid na GMA actor ding si Rodjun Cruz.

Panoorin ang 'Pinoy Abroad Fun Connect' virtual event ng GMA Pinoy TV dito:

Mapapanood ang Nagbabagang Luha Lunes hanggang Sabado simula August 2, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang programa.

Silipin ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha dito: