TV

'Nagbabagang Luha,' mapapanood mula Lunes hanggang Sabado simula August 2

By Jansen Ramos

Sa pagpasok ng bagong buwan, mas sisiklab ang mga damdamin sa bagong GMA Afternoon Prime simula Agosto.

Mga dramang tumatalakay sa pagtitiis para sa pag-ibig at pamilya, sakripisyo para sa minamahal, at pagiging mabuting anak, na masusing prinodyus ng GMA Entertainment Group, ang matutunghayan tuwing hapon.

Ngayong August 2, sisindihan na ang mitsa ng pagtataksil sa TV adaptation ng Nagbabagang Luha.

Pinahaba ang bagong pinakamainit na kuwento tuwing hapon dahil mapapanood ito mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

Mas pinatindi naman ang mga emosyon sa kuwentong humati sa pananaw mo sa pag-ibig.

Mapapanood ang Ang Dalawang Ikaw mula Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong oras na 3:25 p.m.

Bubuhos muli ang luha sa 2012 drama series na minahal ng lahat, ang The Good Daughter.

Matutunghayan weekdays sa ganap na 4:15 p.m. ang kahanga-hangang babae na titiisin ang lahat ng hirap para sa pamilya at minamahal.

Kung ma-miss mo man ang full episodes ng GMA Afternoon Prime programs, maaari itong balikan sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang mga drama series.

Manatiling nakatutok sa GMANetwork.com para sa iba pang updates tungkol sa inyong paboritong Kapuso shows at artists.