TV

EXCLUSIVE: Nora Aunor, may mensahe sa mga baguhang artista

By Jansen Ramos

Excited na sina Mikee Quintos at Kate Valdez para sa upcoming primetime series na Onanay.

Magiging fun learning experience ito para sa kanila dahil mapapasabak sila sa matinding aktingan kasama ang mga bigating artista.

Kuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam, "Everytime na may mag-a-ask sa'kin, dream ko mag-drama talaga. Since Lira, medyo comedy 'yung mga nagiging characters ko. As an artist, feeling ko mas ma-cha-challenge ako dito sa bagong show. Excited ako makatrabaho sina Ms. Nora, Ms, Cherie, Sir Gardo, lahat. I'm gonna learn for sure. Pinag-uusapan nga namin ni Kate, it's gonna be a fun learning experience."

Si Kate naman, kinilig nang malaman niyang makakasama niya sa serye ang tinaguriang Superstar na si Nora Aunor, at hindi na raw siya makapaghintay na maka-eksena ito. "Sobrang excited na ko na maka-eksena siya and binabalita sa'kin ni Ate Jo na mata pa lang niya, talagang umaarte na. Sabi ko, I can't wait na ma-experience 'yun from her," sambit niya ng nakangiti.

Samantala, looking forward na rin ang beteranang aktres, "Suspetsa ko magagaling silang artista at gusto ko na silang [makaeksena], excited na rin ako."

Bilang isa sa mga tinitingalang artista sa bansa, ibinahagi pa niya ang kanyang mensahe para sa mga baguhang artista tulad nina Mikee at Kate. "Katulad ng lagi kong sinasabi, mahalin nila lagi ang trabaho nila kasi malayo ang mararating nila."