TV

Anong klaseng kontrabida si Cherie Gil sa 'Onanay'?

By Bianca Geli

 

Halos lahat ng klase ng kontrabida roles ay nagampanan na ng veteran actress na si Cherie Gil.

At muli na namang masisilayan ang bagsik ng kaniyang pagtataray sa upcoming GMA teleserye na Onanay kung saan gaganap siya bilang biyenan ni Onay ang karakter ni Jo Berry.

Ano kaya ang aabangan sa kaniyang pagganap?

“Kung anong madadala sa akin sa eksena. Kung ano lang nandoon at nakasulat, gagampanan in the best of my ability in the most believable way.”

Dagdag niya, “Ang bottom line is she’s a mother, which I am in real life, so I don’t mind portraying mothers who protect their children.”

Ano naman ang masasabi niya sa younger cast ng Onanay na makaka-eksena niya?

Aniya, “Kate (Valdez) is playing the role of my daughter, she’s got a very beautiful face and she projects very well onscreen. She is on her toes, she’s very candid and also very open to learning. She gets to be pressured a lot and I can see that pero nilalaban niya talaga ‘yung trabaho, it takes a lot of courage.”

Tungkol naman kay Mikee Quintos, "I worked with her sa Sirkus, so medyo vibes na kami niyan, barkada effect na kami.”