TV

EXCLUSIVE: RitKen, nag-react sa kanilang first taping day para sa 'One of the Baes'

By Bianca Geli

Umpisa na sa taping ang upcoming GMA drama na One of the Baes na pagbibidahan nina Rita Daniela at Ken Chan.

Rita Daniela at Ken Chan

Mapapanood si Rita bilang si Jowalyn o Jowa, isang marine student; at si Ken Chan bilang si Grant, isang environmental vlogger.

LOOK: Rita Daniela and Ken Chan's first taping day for 'One of the Baes'

Kumusta naman kaya ang kanilang first taping day?

Kuwento ni Rita, “Okay naman, light lang. Medyo late natapos pero okay lang kasi kinunan yung mga establishing scenes, so medyo pihikan sila sa shots.

“Maraming special shots, pero okay lang.

“Masaya ako kasi kahit sabihin nating late natapos, maagan 'yung set at yung mga katrabaho mismo, madaling katrabaho.

WATCH: Roderick Paulate, pinuri si Rita Daniela sa first taping day ng 'One Of The Baes'

Dagdag ni Rita, binigyan daw siya ng advice ni Roderick Paulate, na gaganap bilang ama-amahan niya sa One of the Baes.

“Kinausap niya ako, nagbigay siya ng advice about comedy, dun kami nagkaroon ng konting kwentuhan.

Roderick Paulate trends for 'One of the Baes' scene

Aniya, “Sa comedy daw merong giver at receiver, and since kami lagi 'yung magkaeksena, importante 'yun.”

Hindi pa man sumasabak sa taping si Ken Chan, todo supporta siya kay Rita at excited na rin siya sa magaganap nilang TV plug shoot, na gagawin diumano sa loob mismo ng isang barko.

“Napanood ko 'yung taping nila, so lalo ako na-excite.”

“Excited din ako sa plug shoot, kasi sa barko kami magshu-shoot at may kasama ng mga marine students.

Umabot na rin ng mahigit 1 million views ang crosswalk performance nina Rita Daniela at Ken Chan sa EDSA para sa One of the Baes.

LOOK: This #RitKen video just hit 1M views on Facebook

Kuwento ni Ken and Rita sa GMANetwork.com, hindi nila inakala na ganun kainit ang magiging reaction ng RitKen fans.

Ani ni Ken, “Nakakagulat at nakakatawa kasi yung kalokohan namin ni Rita, 'yung dance na 'yun, sayaw 'yun para sa One of the Baes talaga. Mapapanood din 'yun sa One of the Baes.

Dagdag naman ni Rita, “Masaya at nakakatawa siya in a way kasi unexpected, nagulat na lang kami na nag-1 million na."

IN PHOTOS: 'One of the Baes' cast pictorial