TV

Rita Daniela at Ken Chan, naging emosyonal sa 'One of the Baes' plug shoot

By Bianca Geli

Naging emosyonal ang One of the Baes lead stars na sina Rita Daniela at Ken Chan. Kuwento ng dalawa, kahit maraming naging balakid sa kanilang launch plug shoot ay naging napakaganda naman ng resulta nito.

Ken Chan at Rita Daniela

Naiyak daw si Ken Chan nang mapanood ang nasabing plug. “Nung napanood po namin 'yung official plug ng One of the Baes, naiyak ako kasi hindi biro 'yung pinagdaanan namin nung plug shoot--binagyo kami. Akala namin hindi na matutuloy 'yung shoot.

“Tapos ang lakas pa ng alon sa gitna ng dagat. Sobrang struggle talaga. Ang dami naming pinagdaanan sa gitna ng dagat.

“Hindi rin kami makauwi kasi sobrang lakas ng alon pero nagawa namin siya nang maayos dahil sa dasal. Nung nakita namin 'yung result, ang ganda nung plug. Kaya naiyak ako.

Kinilabutan naman sa ganda ng plug si Rita Daniela. “Parang tumayo 'yung balahibo ko, nakaka-goosebumps 'yung plug kasi 'yung hirap namin nung araw na 'yun naging worth it siya kasi ganun 'yung kinalabasan which is nakakataba ng puso kasi nakikita mong may pinatunguhan 'yung pinaghihirapan mo.”

Dagdag ni Ken, “Sa 8 years ko po rito sa GMA, first time ko pa lang nakagawa ng isang plug na talaga namang pang-international ang dating.”

“Sobrang excited na kami sa magiging reaction nila for sure magugustuhan nila.”

Abangan si Rita bilang si Jowa at si Ken bilang si Grant sa upcoming GMA Telebabad soap na One of the Baes, ngayong September na!

EXCLUSIVE: 'Eat Bulaga' heartthrob Kenneth Medrano, ayaw maging "super sikat"

'One of the Baes' cast, na-challenge sa pag-shoot ng launch plug

LOOK: Rita Daniela at Ken Chan, sweet na sweet sa 'One of the Baes'