TV

Jasmine Curtis Smith on the set of 'Pamilya Roces': 'Walang mas pa-importante'

By Jansen Ramos

Isa si Jasmine Curtis Smith sa mga nakasungkit ng lead roles sa upcoming primetime series na Pamilya Roces.

LOOK: Jasmine Curtis Smith shares sneak peek of first soap with GMA, 'Pamilya Roces'

Aniya, hindi kailanman naging issue para sa kanya ang pagkakaroon ng maraming bida sa kanyang first soap sa Kapuso Network.

Gagampanan ni Jasmine ang karakter ni Pearl Renacia, ang stepsister ng apat na magkakapatid na bibigyang-buhay ng Kapuso actresses na sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert at Shaira Diaz.


Ibinahagi ng 24-year-old actress sa isang exclusive interview noong pictorial ng Pamilya Roces na walang siyang natatanggap na special treatment sa set. Maski raw ang direktor ng serye na si Joel Lamangan ay pantay-pantay ang turing sa kanila.

“Gusto niya lahat naka-work mode. Walang mag-di-diva-diva. Walang mas pa-importante. Lahat tayo same playing field like 'yun lang gusto niya, lahat patas. So, 'yun 'yung maganda, walang mas importante sa set. Even 'yung crew, 'yung mga utility, patas pa rin lahat.” sabi niya.

Dagdag pa ni Jasmine, “Ayaw namin ng may nagpapataasan ng ihi, parang what's the point? Lahat naman tayo, we just want to act, we just want to earn and do a good job.”

“So kung sinong bida, e 'di siya bida, siya ang mas maraming eksena, mas puyat siya, mas pagod siya kasi siya palaging nakasalang. May disadvantage din kasi siya so 'pag maraming cast [members], mas masaya kasi mas bigayan sa oras.” paliwanag ng aktres.

Natutuwa nga raw siya sa samahan nila sa set dahil hayagan nilang napag-uusapan ang kani-kanilang career. “Ang maganda is walang may ere sa'ming mga cast members and lahat open sa isa't-isa about their careers, kung nasa'n na sila sa point ng career nila, kung ano ba 'yung next step nila. We like to talk about that on the set. So, walang [issue].”

Abangan si Jasmine Curtis Smith sa Pamilya Roces simula Oktubre 8 sa GMA Telebabad.