TV

Pilot episode ng 'Pamilya Roces,' trending online!

By Jansen Ramos

Pinag-usapan online ang pilot episode ng newest primetime offering ng GMA, ang Pamilya Roces.

Unang gabi pa lang, marami nang natuwa sa nakakaaliw na kuwento na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz at Jasmine Curtis Smith. Dagdag good vibes pa ang pagsasama-sama ng mga premyadong artista na sina Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Roi Vinzon, at Gloria Diaz.

Sa katunayan, naging top trending pa ito sa Twitter kagabi, October 8. Ano kaya ang masasabi ng mga netizens sa pilot episode?

Nagpasalamat naman ang ilang cast members sa mga sumuporta sa unang gabi ng Pamilya Roces.

Patuloy na subaybayan ang riot reunion ng Pamilya Roces, gabi-gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

Samantala, narito ang mga dapat abangan ngayong Martes, October 9, sa primetime series.