TV

Gabbi Garcia, kinikilig kay Gloria Diaz

By Jansen Ramos

Pagdating sa aktingan at pagiging beauty queen, iniidolo ni Gabbi Garcia si Miss Universe 1969 Gloria Diaz.

Ani ng global endorser sa kanyang Instagram post, kilig ang kanyang nararamdaman ngayong magkatrabaho na sila sa primetime series na Pamilya Roces kung saan mag-ina ang kanilang ginagampanan.

Ikinuwento pa ni Gabbi sa isang panayam na bilib siya sa pagiging smart ng premyadong aktres.

"She's so smart. Parang you know kasi that a person is really smart kapag nagsasalita siya. Her manners, how she talks to people. Sobrang class." pahayag niya.

Gusto rin daw sundan ni Gabbi ang yapak ni Gloria sa pagiging beauty queen dahil bata pa lang daw siya ay pinapangarap na niya ito.

Sabi niya, "My dream is to represent the country in the pageant or something, ganun."

"Pero as of now sobrang focused kasi ako on what's on my plate which is singing, acting and being an endorser. I really enjoy it."

Hindi imposible na marating ni Gabbi ang kinatatayuan ng beauty queen dahil ito mismo ang pumili sa kanya na pwedeng sumunod na gumanap bilang "Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa."

Samantala, ipinahayag din ni Gloria sa isang panayam ang kanyang paghanga hindi lang kay Gabbi kundi sa lahat ng young stars ngayon.

Sabi ng premyadong aktres, "The younger stars have still a lot to learn but because of the competition now, they are fast learners, they're on time, they're professional, they memorize, they get on the set, 'di na sila bine-baby talaga. Okay na okay sila. They're all very ambitious and they know what they have to do."

"Unlike our time before, medyo parang bine-baby kami. The producers go to your house, inaamo-amo ka. Ngayon hindi na. Ngayon talagang palaban na sila which is good." dagdag pa ni Gloria.