TV

WATCH: Sinon Loresca, naka-score ng hug sa kanyang crush na si Drew Arellano

By ANN CHARMAINE AQUINO

Wacky Sunday ang hinarap nina Drew Arellano at Iya Villania dahil ang kanilang contestants sa People vs. The Stars ay mga riot pagdating sa comedy.

Sabay-sabay na pinuno nina Tetay, Boobay at Sinon "Rogelia" Loresca ang weekend ng mga Kapuso dahil sa kanilang pagrampa at pagbabato ng jokes habang sinasagot ang mga tanong nina Iya and Drew.


Makakapag-uwi na sana ang tatlo ng additional PHP 10,000 sa kanilang premyo, ngunit hindi nila naibigay ang sagot ni Boobay. Panoorin kung paano na-stress si Boobay pagkatapos nilang malaman ang tamang sagot.

Nauwi naman sa love and priorities ang topic pagdating kay Tetay. Bakit niya nga ba sinabing change is coming?

Tila jackpot prize naman ang napanalunan ni Rogelia nang maka-score siya ng hug sa kanyang crush na si Drew.


???????Panoorin ang mas nakakalitong tanungan kasama sina Iya at Drew next week, March 5, sa People vs. The Stars.

MORE ON 'PEOPLE VS. THE STARS': 

WATCH: 'Wowowin' hosts, mas marami ang natalong cash prize sa 'People vs. The Stars'

WATCH: 'Bubble Gang' stars, nasubok ang talino sa 'People vs. The Stars'