advertisement
TV

Pepito Manaloto: 10 years after

1 of 14

Pepito Manaloto

Kay bilis ng panahon! Sino ang mag-aakala na ang Kapuso sitcom na 'Pepito Manaloto' na unang ipinalabas noong March 20, 2010 ay magtatagal sa ere ng 10 years and counting!

2 of 14

Kapuso sitcom

Binago ng karakter ni Michael V. na si Pepito ang Philippine comedy with its unique concept. Linggo-linggong tinutukan ng mga manonood ang adveture ng dating mahirap na si Pepito na lone winner ng Php700 million sa isang national lottery. Napanood ang Book 1 ng 'Pepito Manaloto' noong March 2010 hanggang 2012. Nagkaroon sila ng season break at noong September 16, 2012 muli itong nilunsad. Magpahanggang ngayon ay napapanood pa rin ang 'Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento' tuwing Sabado ng gabi.

3 of 14

Michael V.

Michael V./ Henyo na maituturing ang pagganap ni Direk Michael V. bilang si Pepito. Mula sa pagiging mahirap, lotto winner at ngayon ay may-ari ng isang mineral water company na PM Mineral Water. Tumatayo din na creative director ng Kapuso sitcom si Bitoy!

advertisement
4 of 14

Manilyn Reynes

Manilyn Reynes / Wala si Pepito kung wala ang kanyang butihing may-bahay na si Elsa na buong husay na ginampanan ng versatile actress/singer na si Manilyn Reynes. Ano ang pinaka-favorite moments niyo with Elsa?

5 of 14

Jake Vargas

Unang gumanap bilang young Chito Manaloto si Joshua Pineda at nang lumaki ito ay si Kapuso heartthrob Jake Vargas ang napiling magpatuloy sa role. Adulting na si Chito, bukod sa kanyang trabaho, interesting ang lovelife ng panganay nina Pepito at Elsa.

6 of 14

Angel Satsumi

Big girl na ang bunsong anak ng mga Manaloto na si Clarissa na pino-portray ng Kapuso tween na si Angel Satsumi. Halos magka-height na rin sina Clarissa kuya Chito nito. #LOL

advertisement
7 of 14

John Feir

Hindi kumpleto ang tawanan tuwing Sabado kung wala ang BFF ni Pepito na si Patrick. Wala pa ring tatalo sa pagiging hotdog lover ni Patrick na maligaya sa piling ng misis niya na si Janice.

8 of 14

Carmina Villarroel 

Part ng original cast ng 'Pepito Manaloto' in 2010 si Carmina Villarroel na gumanap na financial adviser na si Maricar. Maraming nalungkot nang mawala si Carmina sa Kapuso sitcom nang lumipat sa kabilang network, pero noong 2017 muling nagbalik sa bakuran ng GMA-7 ang mahusay na aktres. Muling napanood ng mga televiewers si Maricar sa November 25, 2017 episode ng 'Pepito Manaloto.'

9 of 14

Ronnie Henares

Kinaiinisan at tinatawanan pa rin ng viewers ang resident scoundrel ng 'Pepito Manaloto' na si Tommy na ginagampanan ni Ronnie Henares. Paborito din ng lahat ang signature line niya na "Pepito, my friend!"

advertisement
10 of 14

Arthur Solinap

Kapag narinig n'yo ang linya na "Shopping, shopping, shopping!" ang unang pumapasok sa isipin ng mga avid viewers ay ang resident driver ng Pamilya Manaloto na si Robert (Arthur Solinap). Blooming din ang lovelife ni Robert na may anak na sa kasambahay na si Berta (Jen Rosendahl).

11 of 14

Mosang

Laugh-out-loud tuwing may away sina Patrick at kasambahay ng mga Manaloto na si Baby na ginagampanan ni Mosang. Sa tagal nang paninilbihan ni Baby nakahanap na ito ng magiging katuwang sa buhay na si Gary.

12 of 14

Janna Dominguez

Panalo din ang mga hirit at linya ng kasamabahay nina Pepito at Elsa na si Maria na pino-portray ni Janna Dominguez. Mommy na din siya kay Baby Baby!

advertisement
13 of 14

Jessa and Nova Villa

Mas naging makulay ang Book 2 ng 'Pepito Manaloto' nang mapasama ang mag-inang Mimi at Deedee Kho na ginagampanan ng veteran comedienne na si Nova Villa at actress/singer na si Jessa Zaragoza.

14 of 14

Anniversary

Makakaasa kayo, mga Kapuso, ng mas masayang tawanan sa mga susunod na episode ng award-winning Kapuso sitcom na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.'