TV

The fight for Hongkong is on!

By AEDRIANNE ACAR



Isang romantic escapade ang naghihintay kay Patrick at Janice (Chariz Solomon) courtesy of Pepito at Elsa!

Niregulahan sila ng mga ito ng isang all-expenses paid trip sa Hong Kong. Doble tuloy ang excitement nila Patrick at Janice, dahil ma-so-solo nila ang isa’t-isa lalo na ito na rin ang magsisilbing honeymoon ng romantic couple.

Pero itong si Tommy, labis ang inggit kay Patrick at Janice at gagawin nito ang lahat masulot lang ang libreng anniversary trip.

Magtagumpay kaya si Tommy na kinuntsaba pa si Mara (Maureen Larrazabal) para maisakatuparan ang panloloko niya?

‘Wag magpaiwan sa usapan, tumutok sa latest adventures ng masuwerteng milyonaryong sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, ngayong Sabado pagkatapos ng Sabado-Badoo sa Kapuso Network.