TV

Sinong international TV host ang bumisita sa set ng ‘Pepito Manaloto?’

By AEDRIANNE ACAR

Matapos mag-guest sa sikat na noontime show na Eat Bulaga noong Martes (June 16) ang American TV host na si Karla Cavalli, sunod na binisita ng travel guru ang set ng multi-awarded comedy show, ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Base sa post ng Kapuso comedy genius na si Michael V sa Instagram, makikita ang selfie nila ni Karla.

Sinabi din ni Bitoy na may ginawang cameo appearance ang TV host sa isa sa mga episode ng Pepito Manalato.

“michaelbitoy: Karla Cavalli for #PlanetPrimetime on the set of #PepitoManaloto. Did a cameo appearance on the show. Sweet! ????”


Host si Karla ng show na Planet Prime kung saan umiikot siya sa iba’t-ibang panig ng mundo para mapag-aralan ang kultura ng iba’t-ibang bansa sa pamamagitan ng pagsuri ng mga sikat na TV show na mapapanood dito.



Tara at balikan natin ang guesting ni Karla Cavalli sa Eat Bulaga!