TV

Pepito Manaloto: May nawawala sa bahay ng Manaloto family?

By AEDRIANNE ACAR

May nangyayaring kataka-taka sa bahay ng mga Manaloto. Ang mga kasama kasi ni Pepito sa bahay nawawalan ng gamit. Ang asawa niyang si Elsa laging nawawalan ng singsing, sandals o 'di kaya relo.

Si Chito naman hindi mahanap ang charger at pati rin itong si Maria hindi matandaan kung saan nilagay ang kaniyang cellphone.

Tuloy panay ang sermon ni Pepito sa kanila na pakaingatan ang mga gamit nila. Pero papaano kung siya naman ang mawalan?

May bagong wallet kasing binili si Elsa at wala pang isang araw nawala na ito ni Pepito. Naku! Ano kaya ang mangyayari kung malaman ni Elsa na kahit si Pepito nakawala na rin ng gamit?

Aamin kaya ito sa asawa?

Malaki naman ang problema ni Patrick, dahil hindi gumagaling ang singaw niya. Kaya naman ang dating matakaw na best friend ni Pepito, hindi tuloy ma-enjoy ang paborito niyang hotdog. Mahanap kaya ni Patrick ang gamot para maalis ang singaw?

Kaya imbes na umalis ngayong Sabado ng gabi tumutok lang sa paborito niyong weekend sitcom na hindi lamang nakakatawa, educational pa. Abangan lahat ng ito sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa darating na June 11.

MORE ON PEPITO MANALOTO:

IN PHOTOS: Explore Canada with Michael V and kin

#IdealMan: Funny Kapuso Hunks